May 24, 2024

The Insider News

Direct from the source

PBBM , pinababalik ang dating school calendar sa susunod na pasukan

HINILING ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos na ibalik na ang dating school year calendar sa susunod na pasukan.

Aniya, hiniling niya ito kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na magbigay ng konkretong plano sa paglipat sa dating kalendaryo ng paaralan.

Napapadalas na  rin kasi ang kanselasyon ng mga klase dahil sa matinding init dulot ng El Niño phenomenon .

Sa katunayan ang ilang paaaralan sa bansa ay nagbalik sa online classes upang protektahan ang mga bata mula sa matinding init.

SInabi ni Pangulong Marcos sanisang panayam ngayong araw ng Lunes, na hiniling niya sa “Well, of course, hiningi ko ‘yan sa DepEd and asked Inday Sara to give me already a concrete plan because mukha naman hindi na tayo kailangan maghintay pa. At mukha naman kailangan na at I don’t see any objections really from anyone,” ani ni PBBM.

 “Especially, with the El Niño being what it is. Every day you turn on the news, F2F classes are cancelled, F2F classes have been postponed, etcetera. So, talagang kailangan na kailangan na. So, yes. That’s part of the plan that we are trying to do to bring back already the old schedule,” dagdag pa nito.

.Sinabi pa ni PBBM na ang pagbabalik sa dating kalendaryo ng paaralan ay magiging mas mabuti para sa mga bata.