NAGHAIN ng kanyang certificate of candidacy para sa sa darating na senatorial elections si Senator Pia S. Cayetano kasama ang humigit-kumulang 150 siklista mula Taguig, Manila, at Pasay City, na isang simbolikong pagbibiisikleta patungo sa Tent City sa Manila Hotel.
Kilala bilang “Pinay In Action” ng Senado at isang mambabatas na may napatunayang track record sa loob ng dalawang dekada, hinahangad ni Sen. Cayetano na mahalal muli upang ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya sa pagtataguyod ng mga batas para sa kalusugan, edukasyon, karapatan ng kababaihan at mga bata, palakasan, pag-unlad ng ekonomiya, seguridad sa enerhiya, pamana at kultura, at iba pa. Lahat ng ito ay hango sa kanyang sariling karanasan bilang isang ina, anak, atleta, at abogado.
Ayon sa senador, ang pagbibisikleta ay sumasalamin sa kanyang matatag na pangako sa mga pangunahing adbokasiya na ito. Nagpapahiwatig din ito ng kanyang patuloy na pakikipaglaban para sa mga patakarang lilikha ng mas maunlad at magandang kinabukasan para sa mga pamilyang Pilipino.
