Skip to content
July 21, 2025
  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • LinkedIn
cropped-cropped-logo.png

Direct from the source

Primary Menu
  • Home
  • Nation
  • Regions
  • Feature
  • Metro
  • Business
  • Entertainment
  • International
  • Healthbits
  • Tourism
Live
  • Home
  • Nation
  • Posibleng maging ‘health crisis’, tumataas na kaso ng HIV tatalakayin sa senado
  • Nation

Posibleng maging ‘health crisis’, tumataas na kaso ng HIV tatalakayin sa senado

NI Len Dancel
admin June 13, 2025
HIV
Post Views: 48

PATULOY ang pagtaas ng kaso ng HIV sa mga nakalipas na taon na tinatayang aabot sa 252,800 ang bilang sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.

Naitala ang kabuuang kaso ng HIV nitong Marso ng kasalukuyang taon ay umabot na sa 148,831 mula sa kauna-unahang kaso noong 1984, ayon sa DOH.

Mayroong 57 average cases ng HIV kada araw sa unang bahagi ng taon, o tinatayang 1,700 na kaso kada buwan, na mas mataas ng 50% kaysa sa parehong panahon noong nakaraang taon base sa ulat HIV and AIDS Surveillance ng DOH.

Nakakabahala ang obserbasyon sa nasabing pag-aaral na nagpapakita ng pagtaas ng impeksyon sa mas nakababatang populasyon, kung saan pinakamatindi ang pagtaas sa wala pang 15 taong gulang (+133%) at yaong nasa edad 15 hanggang 24 taong gulang (+106%). Ang pinakabatang naitalang kaso ay isang 12 taong gulang mula sa Palawan.

Kaya naman magsasagawa ng masusing pagdinig sa Senado hinggil sa tumataas na mga kaso ng nakakahawang human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa at  pinangangambahan na posibleng maging national public health emergency.

Sa isang resolusyong inihain ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada  Estrada, iginiit niya ang pagsasagawa ng Senate Committee on Health and Demography at iba pang kaukulang komite ng pagsusuri para pag-aralan kung kinakailangan na repasuhin at palakasin ang mga umiiral na patakaran sa pampublikong kalusugan.

“Nangangailangan ng agarang pagkilos mula sa lahat ng sektor, kabilang ang Kongreso, para ma-kontrol ang nakakabahalang pagtaas ng bilang ng HIV infections, at upang matugunan ang malawakang epekto nito sa ating lipunan at ekonomiya,” ani Estrada sa kanyang Senate Resolution No. 1370.

Binigyan-diin din ni Estrada na kailangang repasuhin, i-update at palakasin ang mga patakaran na may kaugnayan sa HIV prevention, diagnosis, treatment at education, bilang tugon sa datos ng Department of Health (DOH) na nagpapakita ng posibleng krisis sa kalusugan.

Dahil ang Pilipinas na ngayon ang may pinakamaraming bagong kaso ng HIV sa Western Pacific Region, nanawagan si Health Secretary Teodoro Herbosa ng isang whole-of-government approach upang tugunan ang krisis.

Ayon kay Estrada, ang mungkahing pagdinig ng Senado ay magpopokus sa pagpapalakas ng mga programa sa HIV prevention, pagpapabuti ng access sa mga gamot at gamutan, at pagpapaigting ng kampanyang pang-edukasyon upang matiyak na ang lahat ng Pilipino — lalo na ang kabataan — ay may access sa komprehensibo at youth-friendly na mga serbisyong may kaugnayan sa naturang kondisyon.

“Ang kasalukuyang mga polisiya na layuning turuan ang publiko ukol sa HIV at pigilan ang pagkalat nito ay kailangang regular na suriin upang matiyak na maayos itong naipapatupad. Patuloy na banta ang HIV sa kalusugan ng mga mamamayan, at kailangang kumilos agad ang pamahalaan–lalo na sa pagbibigay ng agarang access sa mga gamot–upang mapigilan pa ang mas malawak na pagkalat ng sakit,” ani Estrada.

About the Author

admin

Administrator

Author's website Author's posts

Continue Reading

Previous: DA lifts import ban of wild birds, poultry products from Belgium after avian flu outbreak
Next: Romualdez hails 19th Congress: ‘We legislated for history, not headlines’

Related Stories

Screenshot_20250720_195218_Facebook
  • Entertainment
  • Nation

Rep. Khonghun hails Pacquiao as timeless symbol of Filipino strength

admin July 20, 2025
20250718-eGovPH-ph2
  • Nation

Ordinary folk thank PBBM for easy access to gov’t services at eGovPH Serbisyo Hub

admin July 19, 2025
hrep
  • Nation

House defends impeachment process against VP Duterte in SC compliance filing

admin July 19, 2025

Archives

Categories

Recent Comments

  1. meaning of allahumma barik laha on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services
  2. 오피 on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services
  3. togel online on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services

Pages

  • About Us
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Search

You may have missed

Screenshot_20250720_195218_Facebook
  • Entertainment
  • Nation

Rep. Khonghun hails Pacquiao as timeless symbol of Filipino strength

admin July 20, 2025
FB_IMG_1752984745521
  • Regions

Construction worker nanaksak ng kainuman, natimbog ng Batangas Pulis sa loob ng 3- minuto

admin July 20, 2025
ACCIDENT
  • Regions

78-anyos na Koreano patay nang masagasaan habang tumatawid ng kalsada sa Angeles City

admin July 20, 2025
20250718-eGovPH-ph2
  • Nation

Ordinary folk thank PBBM for easy access to gov’t services at eGovPH Serbisyo Hub

admin July 19, 2025
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Contact Us
  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • LinkedIn
©2023 theinsidernews.info / All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept”, you consent to the use of ALL the cookies.
Do not sell my personal information.
Cookie SettingsAccept
Manage consent

Privacy Overview

This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary
Always Enabled
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
CookieDurationDescription
cookielawinfo-checkbox-analytics11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional11 monthsThe cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy11 monthsThe cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytics
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.
Others
Other uncategorized cookies are those that are being analyzed and have not been classified into a category as yet.
SAVE & ACCEPT