INAASAHAN muli na bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo bunsod ng patuloy na paghina ng pandaigdigang demand sa langis.
Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, posibleng bumaba ng P2.35 hanggang P2.55 kada litro ang presyo ng diesel.
Inaasahan din ang pagbaba ng presyo sa gasolina ng P2 hanggang P2.15 kada litro.
Sinabi ni Bellas na bumaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ngayong linggo sa kabila ng humihinang pag-asa sa agarang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz at normalisasyon ng daloy ng suplay ng langis.
Aniya, ang posibleng paglampas ng suplay sa demand ay inaasahan dahil sa paghina ng pandaigdigang pangangailangan sa petrolyo.
Gayunman, nagbabala rin ang opisyal na nananatiling banta sa presyo ng langis ang mga geopolitical risk, kabilang ang mga pag-atake sa mga barkong pangkargamento at pasilidad ng enerhiya ng Saudi Arabia, gayundin ang pagpapatupad ng Estados Unidos ng blockade laban sa Iran.
Inaasahan pang magbabago ang presyo ng mga produktong petrolyo depende sa magiging galaw ng pandaigdigang merkado. (
