May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

Presyo ng petrolyo may tapyas muli sa sususnod na linggo

MULING magkakaroon ng rollback sa mga prodktog petrolyo sa susunod na linggo .

Inaasahang aabot sa P2.00 hanggang P2.25 kada litro ang mababawas sa presyo ng gasolina.

Nasa P0.50 hanggang P0.85 kada litro naman ang posibleng mabawas sa presyo ng diesel at P0.90 hanggang P1.00 kada litro naman sa kerosene.

Ito na ang ikatlong linggong sunod na rollback sa presyo ng gasolina, habang pang-apat naman sa diesel at kerosene.