May 21, 2024

The Insider News

Direct from the source

Presyo ng petrolyo tumaas ng P2 hanggang P2.50 ngayong araw ng Martes

NAGANAP nanaman ang ika- sampung beses na taas presyo ng produktong petrolyo ngayon araw ng Martes, Setyembre 19, 2023..

Tinatayang nasa P2.00 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina, P2.50/L naman sa diesel habang  P2.00/L naman sa kerosene.

Sa magkakahiwalay na anunsiyo ng mga oil players, ipatutupad din nila ang pagtataas sa ibat-ibang oras.

Ang Shell ay nagtaas-presyo kaninang alas-6 ng umaga, habang 12:01 am naman ang Caltex habang 4:01 p.m. naman ang Cleanfuel.

Noong nakaraang linggo, nasa P0.20/L ang nadagdag sa presyo ng gasolina at kerosene, habang P0.40/L naman sa presyo ng  diesel.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang kabuuang itinaas sa presyo ng gasolina ngayong taon na umabot sa P15.50 kada litro , P11.10 kada lito  sa diesel, at P7.94 kada litro sa kerosene .