
HINDI matitinag ang pagsuporta ng mga may kapansanan o Peoples With Disability maging ang mga samahan ng Senior Citizens sa sa kanilang kandidatong Gobernador Sol Aragones at Bise Gobernador Peewee Perez ng Laguna.
Patunay lamang anya ang malaking naitulong sa kanila ni Aragones lalong higit ang kanilang pangangailanan pagdating sa pangkalusugan.
Maging ang mga Senior Citizen sa ibat-ibang bayan at anim na lungsod ang patuloy na tumatanggap ng kanilang libreng maintenance at walang binabayaran.
Sinabi ni Gobernor Aragones na ang kanyang programa para sa pangkalusugan ang tuloy tuloy ang serbisyo kung ito ang mauupo at mananalo sa May 2025 midterm election.
Sa tulong anya ng Akay Partylist ang posibleng paglalagay ng mga botika sa mga bayan bayan upang ang mga residente ay hindi na kailangan pang lumayo upang bumili ng mga gamot na una nitong prayoridad na makatulong.
Magugunitang halos libo libo na natulungan mula sa ibat ibang probinsiya hindi lamang sa Laguna sa pagbibigay ng mga saklay at iba pang gamit .
Sinabi ni Arogones na naka pokus ang kanyang programa lalo na sa pangunahing ospital at adbokasiya na magkaroon ng maayos na ospital.
Nakatutok din ang programa ni Aragones sa mga kabataang mag- aaral lalong higit na bibigyan nito ng puwang na makapagaral sa pamamagitan ng schoolarship ang may mababang grado at naniniwala itong hindi habang panahon na 75 percent ang kanilang makukuha.
Sa proclamation rally ni Mayor Baby Faylona ang kasama nito sa bayan ng Alaminos, Laguna na buong suporta ang ipinakita ng mga mamayan doon dahil sa magagandang programa na ipinaliwanag nito lalong higit ang pagtatayo ng ospital sa Laguna ng hindi na anya magtungo pa sa ibang probinsiya.