BINUWELTAHAN ni Manong Pulong Duterte si Secretary Jonvic Remulla matapos nitong tawagin siyang “high” at “sabog,”
Sinabi ni Davao Rep. Duterte na baka nagkamali lang siya ng tinutumbok at ang gusto talagang sabihin ay iyong mga nasa Malakanyang.
Aniya, “Kung gusto mo talagang malaman kung sino ang “high” at sino ang “sabog,” simple lang naman ang solusyon.
Hinamon niyang magpa-hair follicle drug test sila at isama pa ang boss niya at asawa’t anak pa nito para aniya’y isang testing na lang at tapos na ang usapan.
“Pero baka ibang sabog din aniya ang tinutumbok mo Jonvic. Baka yung sabog sa kapangyarihan. Sabog sa korapsyon. Sabog sa kayabangan. Ug sabog sa pagtuo nga ang katawhan dili na kabalo motan-aw kung kinsa ang nagtrabaho ug kinsa ang nagpa-pogi lang sa kamera” , ani ni Pulong.
“Kaya bago ka muling mamigay ng bansag na “high” at “sabog,” baka mas mabuting tumingin ka muna sa salamin. Baka nandoon ang sagot sa mga tanong mo.”
