
ARESTADO ang Rank No. 7 Most Wanted Person, City Level sa manhunt operation ng San Pablo City Police Station.
Kinilala ni Police Colonel harold Depositar , Officer-in-Charge, Laguna Police Provincial Office ang akusado na si alyas Eugenio na residente ng San Pablo City, Laguna.
Sa ulat ni PLtCol Wilhelmino Saldivar, hepe ng San Pablo CPS, nagsagawa ang kanilang kapulisan ng manhunt operation laban sa nasabing akusado dakong 3:49 ng hapon, Nobyembre 5, taong kasalukuyan sa Brgy. VI-A, San Pablo City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ni alyas Eugenio.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court, Br 7, San Pablo City, Laguna na nilagdaan ni Hon. Myla Villavicencio Olan, Judge ng nasabing korte at nahaharap ang akusado sa kasong Sexual Assault.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pablo CPS ang arestadong akusado. Agad namang inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto nito.
Ayon sa pahayag ni PCol Depositar , “Patuloy ang pagtugis ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa batas upang siguraduhin na mabigyan ng agarang hustisya ang mga naging biktima. Titiyakin din ng inyong kapulisan na mapanatili ang kaayusan, katahimikan at kapayaan sa buong lalawigan.”