ISINARA ng Department of Migrant Workers ang opisina ng Thrifty International Travel and Tours Inc. na sa Pioneer Street, Mandaluyong City, dahil sa ilegal na pagre-recruit ng mga Pilipinong aplikante para mag-trabaho sa Japan at Italy.
Pinangunahan ang operasyon ng pagsasara ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac kung saan nagresulta ng pagkakaaresto ng dalawang opisyal ng travel agency na nahuli na tumatanggap ng marked money mula sa mga operatiba ng departamento.
Sinabi ni Secretary Cacdac na papaigtingin pa ang kampanya laban sa ilegal na pagre-recruit ng mga walang-awang recruiter at sindikato na nananamantala sa kahinaan ng mga OFW at kanilang mga pamilya.
Ito ang ika-14 na ilegal na recruitment firm na isinara ng DMW ngayong 2024.