BINABATI ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang kasamahang Congressman Ralph Recto bilang Secretary ng Department of Finance .
Sinabi ni Salceda na inaasahan na niya ang pagtatalaga kay Recto bilang kalihim kaya naman malugod nitong tinatanggap ang pagtatalaga sa kasamang tagapagsulong ng reporma sa buwis.
Aniya, si Recto ay malalim na karanasan sa “economic legislation at longstanding relationships” sa mga miyembro ng Kongreso.
“Ang karanasang ito at network ay magiging mahalaga sa pagsasakatuparan ng makabuluhang mga reporma upang tugunan ang mataas na cost of living, lumikha ng trabaho, at palawakin ang ating fiscal space” dagdag pa nito.
Si Recto ay naging Chair ng Committee on Ways and Means in the Senate at isa rin sa authors ng 1997 Comprehensive Tax Reform Program noong kanyang panunungkulan sa House .
Positibo rin si Salceda sa mga pangunahing repormang buwis na nakabinbin sa Senado ay magiging mas mabilis ang pag-usad sa kanyang pagtatalaga, dahil sa kanyang mga ugnayan sa nasabing kapulungan, pati na rin ang kanyang kakayahan na makipagkasundo para sa mga mabubuting kasunduan.