May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Sanggol ,itinapon sa basurahan sa Bulusan

Ni Emmanuel Santiago

ISANG sanggol ang  natagpuang nakasako sa talahiban sa  Bulusan,Sorsogon.

Ayon sa mga residente iniwang parang  basura ang baby sa bahagi ng Brgy. Sta. Barbara ng naturang bayan .

Sinabi ni  Rowena Gabrentina na isang health worker, narinig na lamang ng mga residente roon ang malakas na pag- iyak nito .

Nang puntahan ang lugar , nakita ang isang maruming sanggol na bagong panganak ang nakalagay sa sako.

Walang saplot ang namumutlang bata at nanghihina na rin umano ito .

Kaya naman , agad na dinala ito sa Rural Health Unit sa  Bulusan na ngayon ay nasa mabuti nang lagay.

Pinaghahanap na rin ng mga awtoridad ang posibleng ina ng sanggol.