Camp Gen. Miguel C. Malvar, Batangas City – ARESTADO ang isang 66-anyos na lalaki dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) habang kumpiskado rin ang mga ilegal na droga nang ipatupad ang Search Warrant sa Brgy. Hipit, San Nicolas, Batangas
Inaresto ng mga tauhan ang suspek na si a.k.a Libra ng San Nicolas Municipal Police Station sa pangunguna ni PMaj Jonathan Amutan , Chief of Police, nang ipatupad Search Warrant para sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na inisyu at nilagdaan ng Executive Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Lucena City, na may petsang Disyembre 4, 2025, laban sa suspek.
Narekober ang 14 na piraso ng live ammunition para sa caliber .45; 15 piraso ng empty shells para sa caliber .45; 1 piraso ng heat-sealed transparent sachet ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit-kumulang 2 gramo na may market value na Php 13,600.00.
Ginamit ang Alternative Recording Devices (ARD) sa buong operasyon. Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa San Nicolas MPS Custodial Facility.
“Nananatili kaming nakatuon sa pagpapatupad ng batas at pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng aming mga komunidad. Ang pag-arestong ito ay nagpapakita ng aming dedikasyon sa pag-aalis ng mga ilegal na baril at droga sa aming mga lansangan, anuman ang edad ng nagkasala. Dine sa Batangas, walang takas!” ayon sa Provincial director ng Batangas ProvincialPpolice na si PCol Sibalo .
