June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

‘Sextortionist’ naaresto ng NBI sa Cavite

ARESTADO ang isang umano’y ‘sextortionist’ na nagtatangkang mangikil sa naging biktima ng halagang P368,000.

Natimbog ng National Bureau of Investigation – Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang suspek na alyas Dave Herson sa General Trias, Cavite.

Nahaharap sa mga kaso ng grave coercion, anti-photo and video voyeurism act, paggamit ng pekeng pangalan at pagtatago ng tunay na pangalan ang suspek.

Ayon sa ulat, sa reklamo ng biktima sa NBI, nakilala raw niya ang suspek sa Facebook.

Sa huli, sinasabing nire-record ng suspek ang mga hubad na larawan at video niya at ito’y ini-upload online.

Kapalit ng pakikipagtalik, nangako ang suspek na ide-delete niya ang nasabing mga larawan at video. Nanghihingi rin umano ng P368,000 ang suspek sa biktima.

Ang halaga raw na ito ay para sa gastos na ginugol nito sa pagkuha ng mga hubad na larawan at video niya.

Sumang-ayon ang nagreklamo na makipagtagpo sa suspek noong Enero 11, 2024, sa isang establisyemento sa General Trias, Cavite.

Di alam ng suspek, noon pa man, humingi na ng tulong ang biktima sa NBI.

Ang suspek ay naaresto ng NBI at sumailalim sa inquest proceedings sa Office of the City Prosecutor ng General Trias, Cavite.