UMAASA si Sen. Cynthia Villar na ang paggamit ng bamboo bilang textile ay malaki ang maitutulong sa local textile industry at sa pag-unlad sa kanayunan.
Sa kanyang pananalita sa “KAWAYARN: A Bamboo Textile Ph Launch” na idinaos sa Manila Hotel, tinagubilinan ni Villar ang PhilFida at DOST- Philippine Textile Research Institute (PTRI) na pangunahan ang pagpapalaganap sasa kawayan dahil sa mahalaga nitong papel sa textile industry.
Tinukoy ni Villar na may 35 percent ang nakukuhang fiber sa bamboo kumpara sa ibang pinagkukunan ng fiber na mayroon lamang 2 percent.
Inihayag ng chairperson ng Senate committee on agriculture na maraming kawaysn sa buong bansa kaya maganda itong kukunan ng textile fiber.
“The technologies are simple, deployable, and scalable. The machines can also be fabricated locally for more massive and extensive deployment,” giit ni Villar.
“The DOST-PTRI Bamboo fiber extraction technology was developed in 2015. It has moved sustainable and improved fiber extraction techniques for the bamboo species in a bid to promote the increased utilization of natural textile fiber processing from bamboo.The facility will extract bamboo fiber to be used for yarn, will then weave into textiles,” dagdag pa niya.
Ginagamit ang teknolohiyang ito sanatural extraction ong iba’t-ibang uri ng kawayan sa Pilipinas gaya ng kawayan tinik, bolo at yellow bamboo.
Ang PTRI ay may tatlong Bamboo Textile Fiber (BTF) Innovation hubs sa Maragondon, Cavite; Naguillan, La Union at Cauayan, Isabela. Tatlo pa sng itatayo hanggang 2024- isa sa bawat lugar gaya ng Abra, Bukidnon at Pangasinan.
Sinabi ni Villar na ginagamit ang bamboo fibers sa tela at home textile.
Para sa nonwovens, gamit dinniti sa oaggawa ng bag at sapatos.
“The raw Bamboo Textile Fiber is priced at about PHP250 per kg., compared to about PHP10 per kg. of bamboo,” ani Villar.
Sanhi nito, nanawagan siya sa concerned government agencies na suportahan ang local fiber industry.