INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 50-anyos na South Korean national tangkang tumakas sakay ng isang Vietnam Airlines flight patungong Hanoi nitong Enero 11.
Ang suspek na si Yun Daeyoung na pinaghahanap ng interpol ay nasakote matapos lumitaw sa system ng BI na nag-udyok sa mga opisyal na muli itong surrin ng mga otoridad.
Kinumpirmado ng BI-Interpol na si Yun ay kabilang sa listahan ng Interpol Red Notice.
Ayon kay BI Interpol Chief Peter de Guzman, si Yun ay nakatakdang kasuhan ng undesirable alien sa batas ng Pilipinas at si Yun ay umano’y sangkot sa mga aktibidad ng money laundering na may kaugnayan sa isang sindikato ng pandaraya sa pagbili ng mga paninda sa South Korea.
Kinasuhan si Yun ng kanyangnabiktima sa pamamagitan ng pangako ng bahagi sa kita ng isang online shopping mall ngunit nalinglang ito makaraang makuha ang 22,550,204 Korean won o mahigit 900 libong Pesos.
Si Yun ay nambiktima ng kabuuang 140,748,319 Korean won o 5.7 milyong piso sa pamamagitan ng 24 na magkakahiwalay na transaksyon.
May kasong Criminal Act ng South Korea at nahatulan ng parusang 10 taong pagkakakulong.
Inilabas rin ang isang warrant kaugnay ng kasong inilabas ng Daegu District Court ng Korea noong Hulyo 2025.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang pag-aresto ay sumasalamin sa matatag na paninindigan ng kawanihan laban sa transnational crime at mga pugante na nagtatangkang umiwas sa hustisya.
Si Yun ay nasa kustodiya na ngayon ng BI habang hinihintay ang mga proseso ng deportasyon .
