June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

Wanted ex-cop tiklo sa Bulacan

ISANG dating pulis ang pinaghahanap ng mga otoridad dahil sa kasong act of lasciviousness ang naaaresto noong Sabado sa Pulilan, Bulacan.

Sa ulat ng Bulacan police, itinukoy ang naarestong suspek bilang si dating Capt. Dante Abadiano.

Si Abadiano ay nahuli sa Brgy. Dampol 1st, bayan ng Pulilan ng isang tracker team mula sa Bulacan at Pulilan police.

Ang suspek ay mayroong warrant of arrest para sa mga kaso ng acts of lasciviousness, rape, at rape by sexual assault na inisyu ng Regional Trial Court Branch 9 sa City of Malolos sa Bulacan.