NATIMBOG ang isang wanted na hapones na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Tokyo, Japan na may kasong Laeg-scale-theft.
Tinukoy ni Bureau of immigration commissioner Norman Tansingco ang suspek na si Takayuki Kagoshima, 55-taong gulang, na naaresto noong ika-4 ng Marso sa Roxas Blvd., Pasay City ng mga operatiba mula sa BI’s fugitive search unit (FSU).
Naaresto si Kagoshima sab isa ng warrant na na inisyu alinsunod sa isang summary deportation order na inilabas ng BI board of commissioners laban sa Hapones noong Oktubre 2023.
Kabilang din si Kagoshima sa balcklist na inisyu alinsunod sa isang summary deportation order na inilabas ng BI board of commissioners laban sa Hapones noong Oktubre 2023.
Lumabas din sa talaan na ‘overstaying na siya sa bansa sobrang nanatili dito dahil ang kanyang huling pagdating sa bansa ay noong ika-7 ng Nobyembre 2022.
Sinabi ng mga awtoridad sa Japan na si Kagoshima ay may warrant of arrest na inisyu ng hukuman sa lalawigan ng Fukuoka kung saan siya ay pinararatangan ng theft na lumalabag sa Article 235 ng Japanese Penal Code.
Kabilang rin umano si Kagoshima sa “JP Dragon syndicate” na nagplano na magnakaw ng cash cards mula sa kanilang mga biktima sa pamamagitan ng pagpapanggap na mga pulis.
Natuklasan pa na si Kagoshima ay isang undocumented alien dahil ang kanyang pasaporte ay kanilang binawi na ng Japan government.
Kasalukuyang nakakulong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang naghihintay ng implementasyon ng kanyang deportation.
