
TUKOY na ng mga otoridad ang pumaslang sa konduktor ng bus na niratrat ng isang motorcycle rider sa naganap na road rage sa Candelaria , Quezon noong nakaraang Huwebes.
Nakilala ng pulisya ang isang alyas “Labog” na siyang bumaril sa Eagle Star bus na conductor/driver na si Roy Tuano , 48 anyos.
Isang alyas lang sa suspek ang pansamantala ang ibinigay ng mga otoridad dahil sa patuloy na isinasagawa ang “hot pursuit” sa suspek na rider na kakasuhan ng homicide ng Provincial Prosecutor’s Office ngayong araw ng Lunes.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, isang vegetable farmer na nagtatanim ng pechay sa isang pribadong farm ng Sariaya, Qjuezon ang nasabing suspek.
Ibinili ng suspek ng baril ang kanyang kinitang pera imbes na pagkain para sa kanyang pamilya para umano sa kanyang proteksyon.
Ayon kay col. Ledon Monte , provincial director ng Quezon , natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek dahil sa kuha ng mga cctv footages na nakakabit sa crime scene .
“Ang suspek ay galing sa Sariaya sakay ng kanyang motorsiklo na walang suot na helmet ng mahagip ng cctv camera habang nakikipagtalo ito sa bus driver”.
Ip[inag-utos n ani Monte sa Cadelaria Police na bumuo ng tracker team upang tugisin ang suspek na si Labog.