from FB post of Ibaan, Batangas
Naging makasaysayan ang pagdiriwang ng ika-191 na taon ng pagkakatatag ng Bayan ng Ibaan sa pagsasagawa ng 𝗣𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗴𝗮𝘆: 𝗨𝗻𝘃𝗲𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗜𝗯𝗮𝗮𝗻 𝗛𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗪𝗮𝗹𝗹 o ang pagpapakilala ng isa sa mga landmark ng Bayan ng Ibaan ngayong Pebrero 9 sa Ibaan People’s Park.
Ang nasabing Ibaan Historical Wall ay laan ng lokal na pamahalaan ng Ibaan upang bigyang pugay at karangalan ang mga bayaning Ibaeño mula na noon hanggang ngayon at layuning ipaalala sa mga Ibaeño sa kasalukuyan ang kabayanihan nila upang maging ehemplo at tularan para sa bayan ng Ibaan.
Partikular na inalay ang nasabing historical wall sa Ibaan Regiment noong panahon ng Hapon na nakibaka upang matamo ng bansa ang kasarinlan.
Dumalo rin sa nasabing pagpupugay ang ilan sa mga kaanak ng mga bayaning Ibaeño na labis na ikinatuwa ang nasabing pagkilala.