5 patay sa nag-amok na sundalo sa loob ng HQ

NiAlex dela Cruz

NASAWI ang apat na sundalo  nang pagbabarilin ng kanilang nag-amok na  kabaro kahapon sa loob ng   4th Infantry Division headquarters sa Brgy. Patag, Cagayan de Oro .

Kinilala ng mga awtoridad ang mga namatay na  sina Private Joseph Tamayo, Patrolman First Class Prince Kevin Balaba, Sgt. Rogelio Rojo, Cpl. Bernardo Rodrigo, at ang nag-amok na suspek na si Private Johmar Villabito.

Ligtas naman na sa binggit ng kamatayan ang nasugatang si Staff Sgt. Braulio Macalos Jr. 

Base sa ulat, armado ng M16 rifle si Villabito nang pasukin ang mga biktima sa kanilang barracks sa Security Service Batallion unit bandang ala-1:10 ng madaling araw ng walang habas na pinagbabaril ng suspek ang kanyang mga kasamahang natutulog sa loob.

At nang hindi na kayang ng mga kasamahan ay saka pinagbabaril na nina Pvt. Mark Anthony Aguined at Pfc Joseph Estrada ang suspek.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa pangyayari.