AGAD na namahagi ng mga food packs at iba pang suplay sa mahigit 1,500 pamilya o 7,500 indibidwal na apektado ng baha sa Barangay Dela Paz at Barangay Malaban sa lungsod ng Biñan, Laguna ngayong araw ng Martes.
Direktang pinangunahan ni Gov.Sol Aragones ang relief operations mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang agarang maihatid sa mga residenteng nasalanta ng “Bagyong Crising”.
Kabilang sa pamamahagi sina Bise Gobernador JM Carait, Mayor Gel Alonte, Vice Mayor Dada Reyes Board Member Wilfredo Bejasa Jr., at iba pang opisyal ng lungsod upang agad na makakarating ang tulong sa bawat apektadong kabahayan.

Kabilang sa mga nakatanggap ay si Dario Greganda, isang construction worker na hindi makapagtrabaho ng ilang araw dahil sa lagay ng panahon. Aniya, “Malaki ang ibig sabihin nito sa amin. Kung walang kita ngayong linggo, ang food packs ay makakatulong sa amin na makayanan,” .
Ayon naman kay Aling Teresita Esplata, isang lola na pumila para sa tulong sa kanyang apo, mabilis na tumaas ang baha sa kanilang lugar. “Malaking tulong ang mga supply na ito, lalo na sa apo ko,” .
Habang namamahagi ang gobernadora sa mga residenteng nananatili sa mga evacuation center , na mag-ingat sa sakit na leptospirosis bunsod ng patuloy nap ag-ulan at pagbabaha.
Hinihimok rin ni Gob. Aragones na manatiling malinis ang kanilang kapaligiran at agad na humingi ng tulong medikal sa unang senyales ng mga sintomas nito.
