
PUMANAW ang na nitong Lunes ng gabi ang isa sa mga nabaril sa viral road rage sa Antipolo City na nangyari noong Linggo ng hapon.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktimang rider matapos pagbabarilin ng motoristang nakaalitang sakay ng itim na SUV .
Pumanaw ang biktima bandang alas- 6:05 ng gabi ng Lunes sa pagamutan.
Habang mahaharap naman sa multiple murder at Comelec gun ban ang suspek matapos pagbabrilin ang mga riders na nakagitgitan sa kalsada.
Matatandaang makikita sa viral video na pinagbabaril ng suspek nang malapitan ang mga biktimang riders matapos siyang pagtulungang pagsusuntukin sa kahabaan ng Marcos Highway Brgy. San Jose noong Marso 30, 2025, bandang 5:00 PM.
Nag-iwan ng tatlong indibidwal na sugatan bago naaresto ang suspek sa isang checkpoint.