TIKLO ang isang Chinese national na nagsasagawa ng illegal medical practices sa isang klinika sa Monarch Parksuites, Aseana Business Park, Bradco Avenue, Paranaque City .
Sa pangunguna ng National Bureau of Investigation – Dangerous Drugs Division (NBI-DDD) na pinamumunuan ni NBI Director Judge Jaime nakilala ang suspek na si Zhou Jiequn
Nag-ugat ang operasyon ng mga operatiba dahil sa impormasyon na nakarating sa tanggapan ng NBI na ilegal na nagsasagawa ng medisina ng isang partikular na LV.
Ibinunyag ng impormante na nakakuha siya ng slot para sa face water injection/skin booster procedure na naka-iskedyul noong 8:30P.M. noong Pebrero 06, 2025 kung saan ay nagkakahalaga ng Php20,000.00 para sa unang sesyon.
Kaya naman noong araw ding iyon ay agad na nagsagawa ng entrapment operation ang mga ahente ng NBI-DDD laban sa nasabing clinic.
Bago magsimula ang procedure, nagbigay ng pre-arranged signal ang poseur-patient sa mga Ahente ng NBI-DDD na naghihintay sa paligid.
Pinilit na buksan ng mga Ahente ng NBI-DDD ang pinto dahil tumanggi ang mga nakatira sa klinika na buksan ang pinto.
Hiniling ng mga Ahente kay Zhou, na isa sa mga may-ari ng nasabing klinika na magpakita ng anumang lisensya upang maisagawa ang nasabing pamamaraan o lisensya para magpraktis ng medisina ngunit nabigo si Zhou na magpakita ng anuman, kaya, agad siyang inaresto.
Nakatakas sa backdoor ang isa sa mga Subject na kinilalang si Liza He Fheng .
Mahaharap si Zhou sa kasong paglabag sa R.A. No. 2382 (The Medical Act of 1959) at isaasalang siya sa inquest proceedings sa Office of the Prosecutor, Paranaque City habang kakasuhan din naman si Fheng at pinaghahanap pa rin ng alagad ng batas.
Pinuri ni Director Santiago ang mga Ahente ng NBI-DDD para sa matagumpay na paghuli sa dayuhan at binalaan ang publiko na iwasang sumailalim sa mga medikal na pamamaraan mula sa mga indibidwal na hindi lisensyado at/o awtorisadong magsagawa ng mga naturang pamamaraan.
