TIMBOG ang isang pasaherong may dalang shabu na nagkakahalaga ng Php3,400.00 sa sa Port of Batangas, Barangay Sta. Clara, Batangas City, Batangas .
Kinilala ang suspek na si alyas Rio na residente ng Barangay 186, Maricaban, Pasay na patungong Calapan City sa Batangas Seaport nitong Martes bandang alas -12 ng hapon .
Nag-inspeksyon ng pinagsama-samang operatiba ng PDEA Regional Office 4A-Batangas Seaport Interdiction Unit, Philippine Port Authorities-Batangas, Port Police Division, Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Batangas, PCG CGK9 Team Batangas at PNP Maritime Group, Batangas Maritime Police Station nakuha mula sa suspek ang humigit-kumulang 0.5 gramo ng hinihinalang shabu.
Kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ang isasampa laban sa suspek na nasa kustodiya ngayon ng PDEA 4A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Laguna.
