June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

1 patay, 10 sugatan sa salpukan ng bus vs motorsiklo sa Isabela

Ni alex dela cruz

PATAY ang isa habang sampu ang  sugatang pasahero makaraang mahulog sa bangin ang isang provincial bus sa Barangay San Juan , Ilagan, Isabela.

Dead on the spot ang driver ng motorsiklo na kasalubong  ng Victory Liner habang sampu ang sugatang pasahero ang  kasalukuyang ginagamot sa ospital .

Base sa salaysay ng mga sakay ng bus ,mabilis ang pagpapatakbo ng driver ng bus nang makasalubong ang motor.

Agad na bumulusok naman sa bangin ang bus kung saan ikinasugat ng sampung pasahero.

Matapos ang pangyayari saka  nagmamadaling tumakas ang driver ng bus .