
NAGING kalunos-lunos ang dapat na masayang bakasyon nang malunod ang isang lalaki matapos tumagilid ang sinasakyang banana boat sa isang beach resort sa Dingalan Bay, Aurora.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ng Aurora police ang biktima na si Avel, 30, ng Bgy. Licong, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Ang caretaker ng Trinity beach resort na matatagpuan sa Dingalan Bay sa Bgy. Butas na Bato, Dingalan sinabi sa pulisya ,na ang biktima at kasama ang mga kaibigan, lulan sila ng banana boat nang makasalubong nila ang isang malaking alon.
Ang banana boat ay bumaliko at nahulog sa tubig ang biktima at mga kaibigan nito.
Hanggang sa natagpuan ng kaibigang si Avel ang biktima na lumulutang at walang malay. Agad na siyang hinila palabas ng tubig.
Binigyan ng paunang lunas ang biktima ngunit nanatili itong hindi tumugon.
Isinugod ang biktima sa Dingalan Community Hospital, ngunit idineklara itong dead on arrival.
Iniimbestigahan na ng Dingalan police ang insidente.