NASAKOTE ng mga awtoridad ang 10 na may kargang tinatayang isang toneldang shabu sa checkpoint kaninang alas-4 ng madaling araw sa kahabaan ng Barangay Comon ,Infanta ,Quezon .
Sakay ang tatlong suspek ng puting van na patungo sana ng Taytay,Rizal.Ayon kay PMaj. Francis Aldrich Garcia,nagsagawa ng checkpoint ang Infanta Police at National Bureau of Investigation NBI nitong Lunes bandang alas 10:00 ng gabi .
Nang harangin ang sinasakyang van ng mga ito ,tumambad ang kargamento sa kanilang harapan.Inaalam pa ang halaga ng nasabing illegal na droga na posibleng galing sa karagatang pasipiko at tangkang ipuslit mula sa lalawigan.