
San Fernando, Pampanga – ISANG disgrasya na naman ngayong araw ang nangyari sa may North Luzon Expressway malapit sa San Fernado exit ang nagdulot ng pagbigat sa trapiko.
Iba’t-ibang sasakyan ang nadamay sa insidente na bunga na rin ng bumper to bumper na distansya kaya’t nagkaroon ng tinatawag na karambola.
Makikita sa pinakaunahan na isang pampublikong bus na sinalpok naman ng isang delivery truck.
Ang insidente ay iniimbestigahan pa ngayon ng mga pulis habang nakaantabay naman ang ilang mga ambulansya upang sumaklolo sa mga posibleng nasaktan.