MASOSOLUSYUNAN na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang problema sa kakulangan ng pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng karagdagang 100,000 slots sa oras na mabuksan ang aplikasyon para sa transport network vehicle service (TNVS) sa buong bansa.
Ayon sa LTFRB hindi lamang masosolusyunan ang problema ng mga nawalan ng hanapbuhay kundi magiging malaking tulong na rin aniya ito sa mga mananakay na nahihirapang sumakay.
Sa isang forum sa Quezon City nitong Sabado, sinabi ni Engr. Riza Paches ng LTFRB “The board will issue a memorandum circular detailing the distribution,” .
Hindi lamang aniya masigurado ang eksaktong petsa kung kailan bubuksan ang slots sa pampublikong sasakayan gaya ng mga motorsiklo at four-wheeled motor vehicles.
“But right now, the board through its divisions under the LTFRB are considering how this is going to be rolled out operationally,” dagdag pa ni Paches.