May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

BOC natuklasan ang 90M smuggled na asukal at sigarilyo sa MICP

Ni Len Dancel

NATUKLASAN ng  Bureau of Customs (BOC) ang  PHP90 million halaga ng smuggled na asukal at sigarilyo sa  International Container Port (MICP).

Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, 5 kargamento agad ang natuklasan sa isinagawang inspeksyon nitong Pebrero 17 matapos ang  una niyang pagkakaupo bilang bagong hepe ng BOC.

Dumating ang mga containers noong Enero 5 ,2023 at Pebrero 12 ,2023 na naglalaman ng mga ilegal na produkto na tinatayang may halagang PHP90,442,850 mula sa bansang Hong Kong at bansang China.