June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

10M droga iniwan sa banyo ng resto sa Quezon

Ni Alex dela Cruz

NATAGPUAN ng isang service crew sa banyo ng isang fast food restaurant ang mahigit sa kalahating kilo ng pinaghihinalaang shabu  sa bayan ng Candelaria, Quezon Huwebes ng gabi.

Ayon kay Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office na si PCol Ledon Monte  nasa 511.5 gramo ng pinaghihinalaang shabu na mayroong Dangerous Drug Board Value na Php 3,478,200.00 o street value na nagkakahalaga ng nasa Php 10,434,600.00. 

Sa ulat ng mgaq otoridad, nataranta ang mga suspek na may trangsaksyon sa lugar nang pumasok sa restaurant ang ilang police patrollers upang kumain na posibleng naging dahilan  na iwanan ang mga kontrabando.

Nirereview na ang mga CCTV footage mula sa nasabing restaurant upang matukoy ang posibleng pagkakakilanla ng mga suspect na nakaiwan sa nasabing shabu.