
ISINUGOD sa pagamutan ang labing-isang estudyante makaraang kainin umano ang home-made candy na binili sa labas ng kanilang eskwelahan sa Asturias Cebu.
Nagmula sa pampublikong paaaralan ang mga batang ito ng barangay Manguiao ng naturang bayan.
Ayon sa ulat , tinatawag nilang “kinumot” ang kending ito na naging dahilan ng pagkalason ng mga batang estudyante.
Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima na nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at ang iba naman ay nawalan ng malay.
Kaya naman nagpaalala ang Department of Health –Central Visayas sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng pagkain lalo na ang mga magulang at maging mapanuri sa wastong paghahanda ng pagkain sa kanilang lugar.