
LIMANG kasong panggagahasa ang kinakaharap ng 19-anyos na most wanted person sa regional level ang nasakote sa operasyon ng pulisya sa Calamba city lalawigan ng Laguna.
Sa ulat kay police Col. Randy Glenn Silvio nakilala ang akusado na si alayas Jay , 19 anyos na residente ng Calamba City.
Isinagawa ang pag-aresto sa akusado ng Calamba CPS at Provincial Highway Patrol Team (PHPT) Laguna sa Barangay Palo Alto ng naturang lungsod noong Enero 20 sa ganap na alas 3:40 ng hapon .
Bitbit ng mga ototridad ang warrant of arrest laban sa akusado dahil sa 5counts statutory rape na inilabas ng family Court Branch 8,4rth judicial region noong Enero 19,2023 na walang nirekomendang piyansa dahil sa panggagahasa ng isang menor de edad noong nakaraang taon ng Pebrero.
Kasalukuyang nasa kostodiya ng Calamba City Police Station ang akusado .