
Arestado ang 19 pindibidwal kahapon noong Biyernes sa isinagawang One Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP.
Ang One Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkaka aresto ng 19 drug personality, sa naisinagawa nitong 14 operasyon sa buong probinsiya, kumpiskado naman ang 9.62 gramo ng hinihinalang shabu at 52 gramo ng hinihinalang marijuana na may pinagsamang kabuuang halaga na aabot sa Php 46,190.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating unit ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ibidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Section 5 o pagbebenta ng iligal na droga at Section 11 o pag-iingat ng iligal na droga na nakapaloob sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa iligal na droga ay maigting na iniimplementa ng kapulisan ng Laguna, sa pamumuno ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO sa tulong at suporta ng pamayanan lalong-lalo na ng Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.