May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Most wanted person na may kasong parricide, arestado dahil sa kasong rape

Ni Alex dela Cruz

ARESTADO ang isang lalalking most wanted matapos abusuhin ang kanyang sariling kapatid na babae sa lalawigan ng Laguna.

Dinakip sa Calauan , Laguna ang suspek dahil sa bisa ng warrant of arrest ng pang aabuso sa kanyang kapatid matapos makalaya sa kasong parricide dahil naman sa pagbabaril sa ulo ng kanyang sariling ama noong 2017.

Pinalaya  ang suspek sa piitan dahil sa pagpanaw ng kanyang ina na nagsampa ng kaso laban sa suspek.

Muling nagkakaso ito matapos abusuhin naman ang kanyang kapatid noong Marso 24 at Hunyo 19 habang pisikal itong sinasaktan.

Ayon sa ulat ng pulisya, sinasakal ang biktima ng kanyang kuya kapag ayaw nitong pumayag sa kanyang gusto.