1M na droga nasabat sa 6 na suspek sa Laguna
Ni Alex dela Cruz

KUMPISKADO ang 1 milyong halaga ng illegal na droga sa anim na suspek kabilang ang tatlong High Value Individual (HVI) sa kinasang anti-illegal drugs buy bust operation ng San Pedro PNP .
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio , Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na si alyas Jairoden, Jaimela, Sahar, Reynalae, Jamaludin at Taming.
Sa ulat ni PLt Col Rolly Liegen, hepe ng San Pedro CPS nagkasa ang mga operatiba ng San Pedro MPS ng buy-bust operation noong Abril 15, 2023 bandang tanghali sa No. 8 Oliver Compound, Brgy. Landayan, San Pedro City, Laguna .
Nakatransaksyon ng anim na suspek ang nagpanggap na operatiba kung saan binentahan ng hinihinalang illegal na droga kapalit ang buy-bust money.
Nakumpiska sa mga suspek ang 16 na plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na aabot sa 150 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 1,035,000.00, isang kulay gray na belt bag at coin purse na naglalaman ng Php 2,000.00, narekober naman sa mga suspek ang buy bust money.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.