PUGANTE na maituturing ng Philippine National Police sina dating BuCor chief Gerald Bantag at Deputy Sr. Supt. Ricardo Zulueta na sangkot sa pagpatay kay Percy Lapid Mabasa .
Ito ay matapos maglabas ng arrest warrant ang Las Pinas Regional Trial Court Muntinlupa kaugnay sa pagpatay sa tumayong middle man sa krimen na si Jun Villamor.
Patuloy ang paghahanap kina Bantag at Zulueta upang ihain ang arrest warrant .
Ngunit dalawang lugar na ang pinuntahan ng mga otoridad upang hanapin ang mga ito kabilang ang bahay sa Bulacan at Caloocan ngunit parehong hindi sila natagpuan roon.