
WALANG kawala sa mga awtoridad ang dalawang carnapper makaraang manutok ng baril at tangkang nakawan ang maari ng sasakyan sa harap ng kanilang bahay noong Biyernes ng umaga sa Sto.Tomas , Batangas.
Sa ulat na nakarating kay Highway Patrol Group Calabarzon police director Col. Rommel Estolano, tinukoy ang mga suspek na sina Roberto Baliguat at Leonardo Dayo na nahaharap sa kasong Grave Threat at paglabag sa RA 10591 o Illegal possession of firearms.

Base sa ulat kay Sto.Tomas City Police Station chief Col Rodel Ban-O , humingi ng tulong ang mga biktimang sina Ryan Ballesteros at Catherine Rose Colo bandang alas 3:40 ng umaga noong Disyembre 8 sa Mercedes Homes Subd, Brgy San Isidro Norte dahil sa dalawang armadong lalaki ang nagtangkang kunin ang kanilang sasakyan.
Mabilis na umaksyon ang mga otoridad at agad pinuntahan ang lugar ng pinangyarihan sa pangunguna nina RHPU 4-A PLt Arvin Ramos kasama ang mga tauhan ng PHPT-Batangas sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Jason Domingo, upang magsagawa ng followup operations.
Agad na nahuli ang mga suspek na sina Baliguat at Dayo na nakatayo pa sa harap ng bahay ng mga biktima .
Kumpiskado sa mga suspek ang 2 ninakaw na sasakyan, 28 plaka ng sasakayan, 10 pekeng certification of registration, iba’t -ibang kalibre ng baril , mga magazine at bala.