NAGKASIRA-SIRA ang barko ng Philippine Coast Guard nang salpukin ito Chinese vessel makaraang gumagawa ng hakbang “labag sa batas at agresibong galaw” malapit sa isang pinagtatalunang reef sa South China Sea noong Lunes ayon ito sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS),
Sinabi ng NTF-WPS ang mga aksyon ng mga barko ng Chinese coast guard malapit sa Sabina Shoal ay nagresulta sa mga salpukan na nagdulot ng pinsala sa estruktura ng parehong barko ng PCG.
Sinabi ng NTF-WPS na ang mga barko ng Pilipinas ay papunta sa Patag at Lawak Islands sa West Philippine Sea nang mangyari ang insidente.
Wala namang mga Pilipinong crew ang nasugatan at nagpatuloy sa kanilang misyon na mag-supply ng mga isla sa Spratlys na nasa ilalaim ng pangangasiwa ng Pilipinas.
Samantala, may ibang bersyon ng kwento ang Beijing ukol sa salpukan.
Sa isang pahayag mula sa China Coast Guard, sinabi na sa kabila ng maraming babala mula sa panig ng China, sinadyang sumalpok ang Philippine vessel 4410 sa barko ng China na 21551.
Patuloy na ipinipilit ng Beijing ang kanilang mga pag-aangkin sa halos buong South China Sea sa kabila ng desisyon ng isang internasyonal na tribunal na walang legal na batayan ang kanilang pahayag.
Inaangkin ng China ang karamihan sa South China Sea, kabilang ang Sabina Shoal, na matatagpuan 140 kilometro kanluran ng pulo ng Palawan sa Pilipinas.