
NALIBING ng buhay ang dalawang batang lalaki makaraang matabunan ng gumuhong lupa kaninang alas-8 ng umaga sa Sitio Hinapao, Brgy. San Jose sa Antipolo City.
Natukoy ng Antipolo police ang dalawang biktimang sina alyas Lee, 15-anyos at Lester 12-anyos na residente sa Daang Pari, Sitio Hinapao ng naturang lugar.
Base sa inisyal na ulat ng pulsiya, natutulog ang mga biktima nang mangyari ang pagguho ng lupa sa itaas na bahagi ng kanilang bahay habang malakas ang ulan na dulot ni bagyong “Enteng” .
Ideneklarang dead on arrival ang mga biktima matapos isugod ito sa Rizal Provincial Hospital Annex ll .