May 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

2 chinese huli sa 20M shabu sa QC

Ni Alex dela Cruz

KUMPISKADO ang 20 Milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa dalawang Chinese national sa lungsod Quezon , Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) naaresto ang mga suspek na sina Shiliang Zeng, 49 anyos at  Jack Lee, 44 anyos sa isinagawang buy-bust operation sa isang hotel sa Mary Street ,Brgy.E.Rodriguez bandang 11:30 p.m.

Tatlong kilong shabu na nakabalot sa Chinese tea bags ang narekober sa mga suspek kabilang ang 2 cellular phones,mga identification cards ,boodle money at mga dokumento.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek kasama ang mga ebidensyang nakuha sa kanila.