
NAARESTO ng pinagsanib na mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group at Police Regional Office 4-A nitong Linggo ang dalawang Chinese national na inakusahan ng pagkidkidnap sa tatlong Asian national sa Nasugbu, Batangas.
Arestado sa isang police checkpoint sa Bacoor City, Cavite ang mga suspek na sina Huang Yuze, 27; at Zhao Li Shan, 29, parehong Chinese nationals.
Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco D. Marbil nitong Miyerkules na ang pag-aresto sa dalawa ay matapos ang dalawang araw na pagdukot sa dalawang Chinese at isang Koreano sa Bgy. Balaytigue, Nasugbu, Batangas na ittinagopansamantala ang mga pangalan ng mga biktima.
Lumabas sa imbestigasyon na nasa fishing trip ang mga biktima nang sila ay dukutin ng hindi bababa sa pitong suspek.
Pinalaya sila at hindi sinaktan ng mga dumukot sa kanila noong Mayo 2 matapos magbayad ng ransom.
Gayunpaman, ang surveillance footage at ilang saksi ay nagmungkahi ng posibleng “inside job” sa kasong kidnap-for-ransom.
Ang mga ahente ng PNP-AKG sa ilalim ni Col. David N. Poklay, sa tulong ng mga opisyal mula sa PRO4-A sa ilalim ni Brig. Gen. Paul Kenneth T. Lucas, ay nagsagawa ng followup operation kung saan naaresto ang mga suspek.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang cal..45 at isang 9mm semi-automatic pistol na may mga magazine na naglalaman ng ilang live ammunition.
Ininquest ang mga naarestong Chinese national para sa kidnapping at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act of 2013 sa harap ng Department of Justice (DOJ).
Pinuri ng PNP chief ang PNP-AKG at PRO4-A men sa pagkakaaresto sa mga suspek