
Polagui, Albay – ISA na naming vehicular accident ang nangyari noong Martes ng hapon, Mayo 20, 2025, sa may Brgy. Balangibang, Polangui, Albay na kung saan iang 10-wheeler truck na may lamang mga yelo at isang pampasaherong bus ang sangkot sa insidente na kung saan nasawi ang dalawang driver ng naturang mga sasakyan.
Ayon kay Police Lt. Col. Maria Luisa “Malu” Calubaquib, spokesperson ng Police Regional Office 5, ang truck ay papauntang Naga City ant ang bus ay galling ng Tabaco City papuntang Maynila ng mangyari ang aksidente.
“Ayon sa mga nakasaksi ang kaliwang gulong ng truck ay sumabog dahilan upang mawalan ng control ang drayber at sumalpok sa kasalubng na bus na may 50 pasaherong nakasakay,” paliwanag ni Calubaquib.
Isa sa mga biktima ay kinilalang si Benedict Onrobia ng Barangay Canaway, Malilipot, Albay at drayber ng Bobis Liner. Ang drayber naman ng truck na tumilapon dahil sa lakas ng pagbangga ay kasalukuyan pa ring kinikilala ng mga otoridad.
Mayroon 16 na pasahero na nagtamo ng iba’t-ibang sugat sa katawan at sila ay dinala sa pinakalapit na pagamutan at naka-confine.
Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente upang malaman kung sino ang mananagot sa nagyari.