
ARESTADO ang dalawang hinihinalang gunrunner sa isang entrapment operation nItong Linggo ng mga operatiba sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group 3 (CIDG3) sa Cuayan St., Bgy. Malabanias, Angeles City, Pampanga.
Kinilala ni CIDG 3 regional chief Col. Richard Bad-Ang ang mga suspek na sina alyas “Oson,” 39, at alyas “Drew”, 21, kapwa ng Bgy. Amsic, Angeles City.
Nakuha sa mga suspek ang isang cal. .9mm pistol na walang serial number at trademark, isang magazine assembly para sa cal. .9mm pistol, limang mga bala ng cal. .9mm, isang cal. .38 revolver, apat na live na bala para sa cal. .38 na baril, isang holster, isang itim na bag at ang boodle at marked money.
Sinabi ng pulisya na si “Oson” ay sangkot sa mga kriminal na aktibidad, kabilang ang ilegal na kalakalan ng droga at at holdap na pagnanakaw, na target ang Korean national.
Nauna nang nakakulong si “Drew” sa Bahay Pag-asa sa Angeles City, Pampanga noong 2022 bilang child in conflict with the law (CICL) para sa statutory rape.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kaugnay ng Omnibus Election Code ang mga naarestong suspek.