DALAWANG bata noong Sabado ang nalunod habang lumalangoy sa ilog sa Bgy. Sindol, San Felipe, Zambales.
Ang mga biktima ay nasa edad 7 at 9, kapwa residente ng Sitio Tektek, Purok 6, Bgy. Sindol, base sa ng ulat na nakarating kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr..
Sa isang imbestigasyon, ang dalawang bata ay humingi ng pahintulot sa kanilang lola na lumangoy sa isang ilog malapit sa kanilang bahay.
Gayunpaman, nabigong umuwi ang dalawa kaya hinanap sila ng kanilang mga magulang.
Humingi ng tulong ang isang kapitbahay ng mga biktima kay Raymond de Jesus ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa San Felipe, at agad namang naglunsad ng search and rescue operation.
Bandang 8 p.m. sa araw ding iyon, natagpuan ng mga tauhan ng MDRRMO ang mga biktima sa ilalim ng ilog.
Ang dalawang bata ay isinugod sa San Felipe Health Unit, kung saan idineklara silang dead on arrival.
