June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

2 natutulog na pasahero ng bus pinagbabaril ng mga armadong lalaki

DALAWANG armadong kalalakihan  naksuot ng camouflage shorts  ang pinagbabaril ang dalawang pasaherong natutulog sa loob ng isang bus habang binabaybay ang bulubundukin  ng Carrangalan , Nueva Ecija.

Ayon sa ulat ng Carrangalan police kinilala ang ang mga biktimang sina Gloria Mendoza, 60, ng Purok 6, Bgy. Sta. Luciana, Cauyan City, Isabela, at Arman Bautista, 55, ng  Gen San Drive, Koronadal, South Cotabato.

Kumalat sa social media ang kuha ng dashboard camera ng bus kung saan nairecord ang pangyayari sa mga pasahero.

Dead on the spot ang mga ito makaraang magtamo ng ibat ibang tama ng bala sa ulo at leeg .

Lumalabas sa imbestigasyon, na patungo sana ang mga biktima sa radio/ TV program ng Tulfo sa Maynila upang humingi ng tulong kaugnay ng problema sa lupa.

Nangyari ang insidente ng pamamaril sa Bgy.Minuli bandang alas 12:50 ng gabi ng Miyerkules.

Bago maganap ang pagpatay sa mga biktima, ay nakasakay sa bus terminal sa Victory Bus Liner sa Cauyan , Isabela  sa Maynila.

Nang sumapit sa Bayombong , Nueva Ecija, dalawang suspek ang sumakay sa bus.

Pagdating sa Brgy.Joson sa Carrangalan , lumapit ang mga suspek sa mga biktima at sinabing makikiupo ang mga ito ngunit dito na bumunot ng cal.45 ang mga suspek at pinaputukan ang dalawang biktima.

Matapos ang pamamaril ay agad na pinara ng gunmen ang driver ng bus malapit sa ilog sa Maharlika Highway sa Bgy .Minuli .

Matapos bumaba ang mga  suspek ay tinungo agad ng bus driver ang pinakamalapit na police station upang iulat ang nangyaring pamamaril sa loob ng kanyang sasakyan.

Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng Philippine National Police hinggil sa pangyayaring  insidente ng panamaril.