DALAWANG miyembro umano ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Zamboanga del Sur dahil sa pagnanais na magkaroon ng tahimik na pamumuhay .
Kinilala ng mga awtoridad ang sumuko na si Douglas Anoan Enlab alias Ka Dong, 56, anyos atJonar Mantao Enlab alias Nard, 27anyos.
Kusang -loob sumuko sa pulisya ang dalawa bandang alas 2 ng hapon nitong Huwebes.
Si Enlab ay nasa ilalim ng Barrio Revolutionary Committee (BRC) ng Guerrilla Front Big Beautiful Country (GF-BBC) ng NPA Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC).
Sa salaysay pa ng dalawang NPA nirecriut sila umano ng isang Martino Ayas alias Naser na team leader ng Team Baking, Squad 2, ng GF-BBC, upang magsilbing espiya sa grupo .
Nasa pangangalaga na ngayon ng barangay captain ang dalawa habang sumasailalim sa reintegration program ng gobyerno.