DALAWANG babaeng online seller ang natimbog ng mga operatiba dahil sa P680,000 na shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Timalan Balsahan, Naic, Cavite nitong Hulyo 3, 2025 bandang na 11:03 ng gabi.
Kinilala ng mga otoridad ang mga tinaguriang high-value drug personalities na suspek na sina alias Grace, 32, isang online seller at alias Kyla, 35, parehong residente ng nabanggit na Barangay.
Nasamsam ng pinagsamang operatiba ng PDEA Cavite Provincial Office at Cavite Maritime Police Station sa dalawang suspek ang humigit kumulang na 100 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang Php680,000.00, buy-bust money at isang timbangan
Sasampahan sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
