February 29, 2024

2 panukala sa de kalidad na edukasyon para sa mahihirap na estudyante ng E. Samar isinusulong sa Kamara

IBINAHAGI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kaniyang mga kapwa Waray ang dalawang panukalang inihain sa Kamara para sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mag-aaral ng Eastern Samar na makakuha ng de kalidad na edukasyon ng hindi kinakailangang umalis sa probinsya.

Sa kaniyang talumpati sa Capitol Gym ng New Eastern Samar kasabay ng ika-58 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan, ay inilahad ni Speaker Romualdez ng magiging benepisyo ng House Bill (HB) Nos. 2347 at 5726.

“HB 2347 establishes a Satellite Campus of the Eastern Samar State University (ESSU) in the municipality of Balangiga, ensuring that the bright minds of our province need not wander far to achieve their dreams,” magiliw na pagbabahagi ni Speaker Romualdez, pinuno ng mahigit 300 kongresista sa Kamara de Representantes. 

“This bill is a testament to our belief that education is the cornerstone of progress,” sabi ni Romualdez, na kinatawan ng unang distrito ng Leyte.

Dagdag pa nito, layunin ng HB 5726 na gawing isang “full-fledged institution of learning” ang ESSU campus sa Arteche – na isang third class municipality.

Ang HB 2347 ay inaprubahan ng Kamara noong Enero 31, 2023 at nnaipadala n sa Senado habang tinatalakay naman sa komite ang HB 5726. 

“It is an acknowledgment that the quest for knowledge knows no bounds and that the doors of education must be opened wider to embrace all those who seek it,” saad ni Romualdez na siyang pangunahing may akda ng panukala kasama sina Tingog Party List Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre. 

Panauhing pandangal si Speaker Romualdez sa anibersaryo kung saan pinasinayaan din ang New Eastern Samar Capitol Building.

Ang mga panukalang ito, kasama na ang House Bill 5731 na magtatayo ng extension office ng Land Transportation Office sa bayan ng Dolores, ayon kay Speaker Romualdez ay kongkretong hakbang ng mga mambabatas upang pagtulungan ang pagbibigay ng access sa mga batayang serbisyo sa kani-kanilang mga nasasakupan.

“It is not just about lessening the long queues, but about bringing the government closer to its people, making your lives easier, and respecting your time and effort,” wika ni Speaeker Romualdez, pangulo ng partidong Lakas-CMD

“These bills are more than legislative measures; they are the vehicles through which your government commits to serving you better. They symbolize our dedication to education, our recognition of your needs, and our resolve to ensure that the growth of Eastern Samar is felt in every household,” diin ng Speaker

Bahagi rin ng selebrasyon ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng barangay sa lalawigan na pinangunahan mismo ni Speaker Romualdez.

Ang naturang selebrasyon ay inorganisa ni Eastern Samar Gov. Ben Evardone–na dati na ring nagsilbi bilang kongresista—at dinaluhan nina Presidential Assistant for the Visayas Terence Calatrava, House Minority Leader at 4Ps Partylist Rep. Marcelino Libanan, Eastern Samar Rep. Maria Fe Abunda, Vice Governor Maricar Sison-Goteesan, iba pang halal na opisyal ng lalawigan, 22 alkalde, 597 kapitan ng barangay at kawani ng kapitolyo.